Saturday, October 26, 2019

Mga Uri at Gamit ng Parirala

Ano ang parirala?

Ang parirala ay lipon o kumbinasyon ng magkakaugnay na  mga salita na walang simuno o panaguri. Ang mga parirala na may iisang diwa ay pinag-uugnay upang makabuo ng isang pangungusap.

Parirala mga uri at gamit














Mga Halimbawa ng Parirala

1. si Jose Rizal
2. ang sumulat
3. ng Noli Me Tangere

Pangungusap na mabubuo

Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli Me Tangere.

Anu-ano ang mga uri ng parirala?


May ibat-ibang uri ng parirala ayon sa anyo. Nauuri ito ayon sa anyo o ayon sa gamit.

A. PARIRALA AYON SA ANYO


1. Karaniwang Parirala - Ito ay parirala na binubuo ng karaniwang salita.

            Si Jane
            batang masipag

2. Pariralang pang-ukol - Binubuo ito ng pang-ukol at layon nito.

        para sa akin
        sa kabila ng bakod
         ukol sa pagibig

3. Pariralang Pawatas - Binubuo ito ng pandiwang pawatas at layon nito.

         maligo sa ilog
         magbasa ng aklat
         matulog nh maaga

B. PARIRALA AYON SA GAMIT.


May tatlong uri gamit ng parirala sa pangungusap. Ito ay pariralang panggalan, pariralang pang-uri, at pariralang pang-abay.

1.Pariralang Panggalan - Ito ay ginagamit na simunong pangungusap, layon ng pandiwa  o tagatanggap ng layon ng pandiwa.

A. Bilang Simuno

                Ang may suot na puting uniporme ang nagwagi.

B. Tagatanggap ng Layon

                 Ang relo ay ibinigay ni Alfred kay Ana.

2. Pariralang Pang-uri - Ang pariralang pang-uri ay nagbibigay turing sa pangalang sinusundan.

                  Ang mga taong may pagpapahalaga sa Diyos ang namumuhay ng payapa.

                  Siya na tumatanggap ng pagkatalo ay mabuting tao.

3. Pariralang Pang-abay - Ito ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri at pang-abay.

a. Nagbibigay turing sa salitang sinusundan

                   Ang humahabol sa kanya ay natisod sa nakausling bato.

                  Sa ginawang pagtatanghal, ang mga mag-aaral ay umawit nang buong sigla.

b. Nagbibigay turing sa isang pang-abay

                  Nagtakbuhan ang mga bata nang marinig ang kulog. 

c. Nagbibigay turing sa pang-uri

               Ang mga Pilipino ay matulungin sa salita at sa gawa.


No comments:

Post a Comment