Ang pangungusap ay lipon o grupo ng mga salita na may iisang diwa na nakabubuo ng kahulugan (sa makaririnig) o layon ng pagpapahayag (sa nagsalita). Ang pangungusap ay binubuo ng isang tagapagsalita o manunulat upang maipahayag ang kanyang kaisipan, layunin, mga nalalaman at damdamin. Dahil dito, ang pangungusap ay mabibigyang uri bilang pangungusap na pasalaysay, patanong, pautos o padamdam.
Pangungusap na Pasalaysay.
Ang pangungusap na pasalaysay ay naghahayag ng katotohanan, opinyon o pangyayari. Ito ay binabantasan ng tuldok.
1. Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani.
2. Maari kang malula dahil sa sobrang init ng araw.
3. Si Lola ang kumain ng suha.
Pangungusap na Patanong.
Ito ay pangungusap na naglalayong magusisa. Sa pamamagitan ng pangungusap na patanong, naihahayag ng ispiker ang kanyang layon na alamin ang mga bagay-bagay mula sa tagapakininig. Ang pangungusap na patanong ay binabantasan ng tandang pananong (?).
1. Kumain ka na ba ng agahan?
2. Sino ang nagtatag ng La Liga Filipina?
3. Saan matatagpuan ang kauna-unahang kapitolyo ng Pilipinas?
Pangungusap na Pautos.
Ang pangungusap na pautos ay nagpapahayag ng layon ng ispiker na isakilos ng tagapakinig ang isang gawain. Ang pangungusap na pautos ay nahahati sa dalwa. Una pautos o atas, na nagsasabing dapat na isagawa ng tagapakinig ang sinasabi ng ispiker na walang pasubali. Ang pangalwa naman ay pakiusap, ito ay ang paghahayag ng utos sa magalang na paraan.
A. Pautos o Atas
1. Kuhain mo agad ang padala ni Itay sa Palawan.
2. Bigyan mo ako ng isang basong tubig.
1. Pasuyo ako ng pagkuha sa padala ng Itay sa Palawan
2. Makikiabot ng isang basong tubig.
Pangungusap na Padamdam
Isang uri ng pangungusap na naghahayag ng masidhing damdamin gawa ng tuwa, lungkot, takot, pagkagulat, pagkamangha, panghihinayang at pagkagulat. Binabantasan ito ng tandang padamdam (!).
1. Nasusunog ang bahay!
2. Napakaganda ng musa ng baranggay!
3. Bilis! Umalis kayo diyan!
No comments:
Post a Comment