Wednesday, April 29, 2020

Banghay Aralin o Lesson Plan Para sa Filipino 5 Muling Naiuulat Ang Balitang Napakinggan

Banghay-Aralin Sa Filipino V


I.    Layunin:


v  Naibibigay nang malinaw ang ulat sa balitang napakinggan.

Pagpapahalaga  :  Wastong Pakikinig

II.  Paksang Aralin:   

Pagbibigay ng Malinaw na Ulat sa Balitang Napakinggan

Sanggunian  : Diwang Makabansa V p. 51; Manwal ng Guro p. 42-43 Pamana p. 39; BEC,
                        PELC: Pakikinig 3 p. 35
Lunsaran     : Ang Pananampalatayang Islam
Kagamitan   :  Tape recorder

III. Pamamaraan:

      A.  Panimulang Gawain

1. Balik-aral
            Ano ang dapat tandaan sa lohikal na pagsusunud-sunod ng mga ideya sa ulat o balitang napakinggan.

2. Pagsagot/Pagtsek sa Takdang-aralin

3. Pagganyak
            Kung ikaw ay nakikinig ng ulat o balita, ano ang ginagawa mo para maisalaysay mong muli ito nang malinaw?

Bakit dapat maging malinaw sa pagsasalaysay ng mga balitang narinig?

      B.   1.   Paglalahad

Ipaalala sa mga bata ang mga pamantayan sa mabisang pakikinig. Iparinig sa mga bata ang nakateyp na ulat tungkol sa Pananampalatayang Islam na hinango mula sa Pamana p. 39

Ang Pananampalatayang Islam

Ang salitang "Islam" ay nagmula sa salitang Arabe na ang kahulugan ay "kapayapaan" Ito ay isang relihiyong itinatag ni Mohammed, isang kilalang propeta. Ang mga kasapi sa relihiyong ito ay tinaguriang mga Muslim. Allah naman ang taguri sa kanilang Panginoon. Para sa mga Muslim, walang ibang Panginoon kundi si Allah at si Mohammed ang sugo niya. Ang kanilang banal na aklat kung saan napapaloob ang mga batas at tuntunin na kanilang sinusunod ay ang Q'ran (Koran).

2.   Pagtalakay

Ipasagot ang mga tanong tungkol sa balitang ipinarinig.
a.   Saan nagmula ang salitang Islam?
b.   Ano ang kahulugan nito?
c.   Sino ang nagtatag nito?
d.   Ano ang taguri sa mga kasapi ng relihiyong ito?

3.   Pagsasanay
Ipabigay nang malinaw ang ulat na narinig nang pasalita sa ilang mga bata.
Ipasulat sa papel ang mahahalagang detalye ng ulat na narinig.

      C.  Pangwakas na Gawain

1.   Paglalahat
Ano ang dapat gawin upang maisalaysay muli nang malinaw ang ulat/balitang narinig? Ano ang kahalagahan nito?

IV. Pagtataya:

Babasahin ng guro ang maikling ulat tungkol sa pag-aayuno na hango sa p. 29 ng Ang Pilipinas sa Iba't Ibang Panahon at ipasusulat sa sariling pangungusap ang ulat na narinig.

Ang Pag-aayuno ng mga Muslim
Ang Pag-aayuno ay paraan ng pagsisisi ng kasalanan ng mga Muslim. Ginagawa ito sa buwan ng Ramadan mula ika- 4:00 ng umaga hanggang sa paglubog ng araw. Ito ay tumatagal nang 29 o 30 araw. Hindi lamang pagpigil sa pagkain ang pag-aayuno.Ito ay pag-iwas din sa pag-iisip, pagkilos at pagsasalita nang masama. Ang di pagtupad ng tungkuling ito nang walang sapat na dahilan ay isang rnabigat na kasalanan.

V.  Takdang-Aralin:
Manood ng Balita at isulat sa sariling pangungusap ang detalye ng unang " segment" na iuulat.


No comments:

Post a Comment