Banghay Aralin sa Filipino V
I. Layunin:
Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa detalye ng ulat o
balitang narinig.
Pagpapahalaga : Pagpapahalaga sa ating mga ninuno, Wastong Pakikinig
II. Paksang Aralin:
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa
Detalye ng Ulat o Balitang Narinig
Sanggunian : Diwang
Makabansa- Wika V p.49 Pamana pp. 2-7
BEC, PELC Pakikinig: Blg.1
p.35
Lunsaran : "Ang Ating
Mga Ninuno"
Kagamitan : tape recorder
III. Pamamaraan:
A.
Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Sinu-sino sa inyo ang mahilig makinig ng
radyo?
Anong impormasyon ang maririnig natin sa
radyo?
Bukod sa mga bagong balita, anu-ano pa
ang mga maririnig natin?"
B. 1. Paglalahad
Iparinig
sa mga bata ang nakateyp na ulat tungkol sa ating mga ninuno na hango sa Pamana
pp 2-7.
Ipaalala
sa mga bata ang mga pamantayan sa mabisang pakikinig at pagkuha ng mensaheng
narinig.
ANG ATING MGA
NINUNO
May
tatlong pangkat ng tao ang dumating sa Pilipinas; ang mga Negrito, ang mga
Indones at ang mga Malayo. Sila ang maituturing na mga naunang nanirahan sa
Pilipinas.
Ang
mga Negrito ang naunang pangkat ng tao na namalagi rito sa ating kapuluan.
Nakarating sila dito sa pamamamagitan ng pagdaan sa mga lupang tulay. Sila ay
maliliit, maiitim, sarat ang ilong, makapal ang labi, at kulot ang buhok.
Nabuhay sila sa pangangaso, panghuhuli ng isda at pagsasaka.
Sumunod
na dumating ang mga Indones na nahati sa dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay
nakarating mula sa Timog - Silangang Asya.
2.
Pagtalakay
Pag-usapan ang
detalye ng ulat na narinig.
Pagsagot
sa tanong.
a.
Sinu-sino ang ating mga ninuno batay sa
ulat na narinig?
b.
Saan-saang lugar sila nanggaling?
c.
Paano sila nakarating sa Pilipinas?
d.
Ilarawan ang kanilang kaanyuan.
e.
Paano natin mapahahalagahan ang ating
mga ninuno?
3.
Pagsasanay
Pangkatin
ang mga bata sa lima
at ipasulat sa bawat pangkat ang mahahalagang detalye tungkol sa ulat na
narinig at tinalakay gamit ang "mapping"
C. Pangwakas na Gawain
1.
Paglalahat
a. Anu-ano ang mahahalagang detalye ng ulat na
narinig tungkol sa ating mga ninuno?
b. Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagsagot sa
mga tanong tungkol sa mga detalye ng ulat o balitang napakinggan?
IV. Pagtataya:
Magparinig
ng nakateyp na maikling ulat tungkol sa panahanan ng ating mga ninuno hango sa
Pamana pp. 8-9 at isusulat ng mga bata ang detalye ng balita sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga katanungan.
Panahanan ng mga Unang Pilipino
Ang
mga unang Pilipino ay nanirahan sa mga kwebang malapit sa dalampasigan at mga
gubat. Palipat-lipat sila sa iba't ibang pook na matitirhan. Sila ay tinatawag
na nomads. May Ilan namang gumawa ng bahay sa itaas ng mga puno. Ang mga Badjao
naman sa Sulu ay nakatira sa mga bangkang bahay.
a.
Saan-saan nanirahan ang mga unang
Pilipino?
b.
Ilarawan ang kanilang mga bahay.
c.
Ano ang tawag sa mga taong palipat-lipat
ng tirahan?
d.
Bakit itinayo ng ibang ninuno natin ang
kanilang bahay sa itaas ng punongkahoy?
V. Takdang-Aralin:
Makinig
ng balita sa radyo mamayang alas 7 ng gabi at itala ang mahahalagang detalye ng
ulo ng mga balita.
No comments:
Post a Comment