Banghay Aralin sa Filipino - V
I. Layunin
Pagsasalita: Nakabubuo ng mga pahayag na
naglalahad ng sariling katwiran, pagpapasya at paniniwala.
Pakikinig: Naibibigay
ng malinaw ang ulat sa balitang narinig
Pagpapahalaga: Ipagmalaki
ang lahing Pilipino
II. Paksang Aralin
A. Deskripsyon:
1. Kasanayan:
a. Pagbuo ng mga
pahayag na naglalahad ng
- sariling katwiran
- sariling
pagpapasya
- sariling
paniniwala
b. Pagbibigay ng
malinaw ang ulat sa balitang narinig.
2. Nilalaman: Pagka-Pilipino
Sanggunian: BEC-PELC blg. __ d __
Kagamitan: tsart ng kuwento
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1.
Balik-aral
Hingan ang mga bata ng maikling pahayag ukol sa naganap sa
EDSA II at ang proklamasyon ni Pangulong Gloria M. Arroyo.
Itanong: Kailan
naganap ang EDSA II? Bakit. nagkaroon na naman ng EDSA II? Saan at sino ang
iprinoklama na pangulo ng bansa pagkatapos ng EDSA II?
2. Pagganyak
Bakit dapat natin ipagmalaki sa mundo na tayo ay lahing
Pilipino? Ano mang pagkaiba ng Pilipino sa ibang lahi?
B. Paglalahad
Makinig
sa awiting patugtugin ng guro mula sa cassette.
Awit: “Ako ay Pilipino”
C. Pagtalakay
Pagkatapos nannlg
ang awitin, talakayin ang mga sumusunod:
1. Ano ang
pangunahing mensahe ng awit?
2. Malinaw ba ang
pagbigkas ng mangaawit sa kataga?
3. Gaano kalawak at
makulay ang mga sa!itang ginamit ng komposer?
D.
Panglinang na Kasanayan
a. Pangkatang Gawain:
§
Pangkatin ang mga bata sa tatlo.
§
Ipagawa ang Word Map sa bawat pangkat.
§
Ipasulat ang mga katangian ng isang Pilipino.
§
Ipaulat ang ginawa.
Itanong:
1. Ano ang naging basehan ng mga pahayag na
naglalahad ng sariling katuwiran, pagpapasya at paniniwala?
2. Paano ang pagbibigay nang malinaw na ulat sa
balitang narinig?
Tandaan:
§ Ang pahayag ng isang tao nagiging basehan pa ito kung paano
sinusukat ang kagandahang asal at edukasyon nito.
§ Ang ulat na binibigay ay dapat tiyak, maikli at walang
paligoy-ligoy.
F. Pagpapayamang
Gawain:
1. Pakinggan ang ulat
na basahin ng isang bata.
Ang
Bagong Bayaning Pilipino
Ang mga bagong bayaning Pilipino ay
ating mga kababayan nagtatrabaho sa ibang bansa na ang tawag sa kanila ay
"OFW". Sila ay nagpapakasakit para mabigyan ng mabuting kabuhayan ang
mga mahal nila sa buhay. Sila rin ang nagbibigay ng malking bahagi sa ating
ekonomiya.
Pagkatapos
marinig ang ulat ibigay ang sariling pahayag.
G. Pagpapahalaga:
Itanong:
Bakit dapat nating ipagmalaki ang lahing Pilipino?
Ano ang pagkaiba ng lahing Pilipino sa ibang lahi?
Anu-anong katangian dapat ipagmalaki ng Pilipino?
Ano ang pagkaiba ng lahing Pilipino sa ibang lahi?
Anu-anong katangian dapat ipagmalaki ng Pilipino?
IV. Pagtataya
Magbigay ng isang malinaw na ulat sa balitang narinig ukol
sa pangyayari
sa inyong pamayanan.
sa inyong pamayanan.
1. Proklamasyon ng
mga halal na Opisyal ng Barangay.
2. Pagpapaganda at
pag-aayos ng pamayanan.
V. Takdang-Aralin
No comments:
Post a Comment