Banghay-Aralin Sa Filipino V
I. Layunin
v Lohikal na
napagsusunud-sunod ang mga ideya sa ulat o balitang napakinggan.
Pagpapahalaga : Paggalang sa Relihiyon ng Iba
II. Paksang Aralin:
Pagsusunod-sunod ng mga Ideya sa Ulat o
Balitang Napakinggan.
Sanggunian : BEC 2, PELC 35:
Pakikinig Blg. 3 p.35; Pamana p. 37-38
Lunsaran : Ang Pagdating ng Islam sa Pilipinas
III. Pamamaraan:
A.
Panimulang Gawain
1.
Balik-aral:
Sinu-sino ang mga ninuno natin?
Sino sa kanila ang unang dumating?
Sino ang sumunod?
2.
Pagganyak:
Anu-ano ang inyong relihiyon?
Dapat bang magkagalit ang dalawang
taong magkaiba ang relihiyon? Bakit hindi?
Paano natin maipapakita ang
paggalang sa relihiyon ng iba?
Ano
ang relihiyon ng mg ninuno natin sa katimugan ng na siya ring relihiyon ng marami
doon sa kasalukuyan?
B. 1. Paglalahad
Paano
lumalaganap ang Islam sa Pilipinas?
Iparinig
sa mga bata ang isang ulat tungkol sa paglaganap ng Islam sa Pilipinas na hango
mula sa Pamana p. 37-38.
Ang Pagdating ng Islam sa Pilipinas
Isang
pandaigdigang kalakalan ang naganap pagpasok ng ika-10 siglo na naging daan sa
pagpasok ng relihiyong Islam sa ating bansa. Sa paglalakbay ng mga Arabeng
mandaragat patungong silangan ay narating nila ang Hang pulo sa Pilipinas.
Si
Karim ul-Makhdum, isang Arabeng iskolar, ay ang unang misyonerong Muslim na
dumating sa Pilipinas. Nagtungo siya sa Sulu matapos ang isang matagumpay na
paglaganap ng Islam sa Malacca, Siya ay tinawag na tuan Sharif Auliya, isang
titulong iniuukol sa banal na tao.
2.
Pagtalakay
Pag-usapan
ang detalye ng ulat na narinig at kung paano aayusin ang mga pangyayari nang
sunud-sunod.
a.
Sinong dayuhan ang nagdala ng
pananampalatayang Islam sa Pilipinas?
b.
Isa-isahin ang mga misyunerong nagdala
ng Islam sa Pilipinas sa tamang panunuran.
c.
Anu-ano ang naging kontribusyon ng bawat
isa sa paglaganap ng Islam?
3.
Pagsasanay/Paglalapat
Pangkatin
ang mga mag-aaral at ipaayos sa bawat pangkat ang wastong pagkakasunudsunod ng
mga pangyayari tungkol sa ulat. Ang mga ito ay nakasulat sa "strips of
cartolinas" at ang bawat pangkat ay maguunahan sa pag-aayos.
a.
Dumating si Raha Baginda na taglay ang
kaisipang pulitikal.
b.
Ipinalaganap ni Raha Siat Saen ang Islam
sa Maynila.
c.
Sinimulan ni Kabungsuan ang sultanato sa
Maguindanao.
d. Dumating Si Syyid Abu Bakr at itinatag ang
sultanato.
e.
Galing ng Malacca, dumating si Karim
ul-Makhdum.
C. Pangwakas na Gawain
1.
Paglalahat
a. Ano ang dapat tandaan sa lohikal na
pagsusunud-sunod ng mga ideya sa ulat o balitang napakinggan?
b. Ano ang Kahalagahan ng may kakayahang
pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa mga ulat o balitang narinig?
IV. Pagtataya:
Babasahin ng
guro ang isang ulat at hayaang pagsunud-sunurin ng mga bata ang mga pangyayari.
Ang Mamang Muslim
Si Ali ay Tsang
Muslim. Naniniwala. siya na walang ibang Diyos maliban kay Allah. Tuwing
sasapit ang ika-9 na buwan sa kalendaryong Mohammedan, nag-aayuno siya sa
kabuuan ng buwang ito. Hindi siya kumakain mula pagsikat ng araw hanggang
paglubog ng araw. Nagdarasal rya ng limang ulit sa maghapon. Nagbibigay din sya
ng ika-10 bahagi ng kanyang kita sa mga nangangailangan na isa sa mga kautusan
ni Allah.
Ayusin ang mga sumusunod sa wastong
panunuran.
a. Binibigyan ng ika-10 bahagi ng Inyang kita
ang mga nangangailangan
b. Nag-aayuno siya sa buwan ng Ranadan.
c. Limang beses sa Tsang araw kung siya
aVmagdasal.
d. Naniniwala si All kay Allah.
e. Hindi siya
kumakain maghapon.
V. Takdang-Aralin:
Manood
ng balita alas 6 ng gabi at magtala ng limang pangyayari tungkol sa ulo ng
balita at ayusin ang mga ito nang sunud-sunod.
No comments:
Post a Comment