Ano ang Pandiwa?
Ang pandiwa ay mga salitang nagsasabi ng kilos o galaw. Ang pandiwa ay may mga aspekto batay sa pagkaganap ng kilos. Ito ay ang aspektong pangnagdaan, pangkasalukuyan at panghinaharap.
Sa araling ito, tatalakayin natin ang panagano ng pandiwa. Bukod sa aspekto
ang panagano ng pandiwa ay nagbibigay unawa sa nakababasa o nakaririnig sa pagkaganap nito. Maaring ang kilos ay tiyak na magaganap, nagaganap o magaganap naman o di kaya naman ay kinakailangang maisakatuparan ang maisasagawa muna ang isa pang kilos.
Ano ang panaganong paturol at panaganong pasakali ng pandiwa?
Basahin ang sumusunod na mga pangungusap
Ang bayan ay nagsaya sa araw ng kalayaan.
Ako ay nagsasaya sa kaarawan ko.
Magsasaya ang daigdig sa araw ng Pasko.
Anu ano ang pandiwang ginamit?
Anu-ano ang aspekto o anyo ng pandiwa sa mga halimbawa?
Ang panaganong paturol ay nagpapahayag ng pagkaganap ng gawain o pangyayari sa tatlong panahunan o aspekto pangnagdaan, pangkasalukuyan at panghinaharap, gaya ng mga pandiwang nagsaya, nagsasaya
at magsasaya.
Panaganong Pasakali ng Pandiwa
Bigyang ang sumusunod na mga pangungusap.
Sumasaya ang tao kapag tahimik ang buhay.
Ikaw ay maghihirap kung hindi
ka magtitipid.
Baka
yumaman ka
sa kaka-overtime.
Ang mga pandiwa sa panaganong pasakali ay katulad din ng anyo ng paturol na pandiwa.
Ang paturol ay tiyakang nagsasabi ng ipinahahayag ng pandiwa. Ang pandiwa na may panaganong pasakali naman ay nagsasabi ng pasubali na ipinahahayag ng pang-abay at pangatnig. Ang mga pang-abay na karaniwang gamitin ay tila, baka, malamang, marahil at iba pa. Ang mga pangatnig naman ay: kung, kung hindi't, disin, kapag, pag, atibapa
Paglalagom sa paghahambing ng Panaganong Paturol at Panaganong Pasakali.
Ang pandiwa sa panaganong paturol ay tiyak. Nangangahulugan ito na ang kilos ay tiyak na nangyari, nangyayari o mangyayari pa. Samantala ang pandiwa na may panaganong pasakali ay walang katiyakan at maaring mangyari lamang kung matutupad ang kundisyon na sinasabi sa pangungusap.
Subukin Natin:
Tukuyin kung ang pandiwa sa pangungusap ay may panaganong paturol o pasakali.
1. Si Jose Rizal ang nagtatag ng La Liga Filipina.
2. Magtatagumpay sana si Andress Bonifacio kung hindi siya napaslang.
3. Baka manalo ka sa
Lotto pagtumaya ka.
4. Maagang umuwi ang mga
anluwagi.
No comments:
Post a Comment