Tuesday, May 2, 2023

Mga Uri ng Pangungusap.


Ang pangungusap ay lipon o grupo ng mga salita na may iisang diwa na nakabubuo ng kahulugan (sa makaririnig) o layon ng pagpapahayag (sa nagsalita). Ang pangungusap ay binubuo ng isang tagapagsalita o manunulat upang maipahayag ang kanyang kaisipan, layunin, mga nalalaman at damdamin. Dahil dito, ang pangungusap ay mabibigyang uri bilang pangungusap na pasalaysay, patanong, pautos o padamdam.


Pangungusap na Pasalaysay.

Ang pangungusap na pasalaysay ay naghahayag ng katotohanan, opinyon o pangyayari. Ito ay binabantasan ng tuldok.

Halimbawa:

1. Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani.

2. Maari kang malula dahil sa sobrang init ng araw.

3. Si Lola ang kumain ng suha.


Pangungusap na Patanong.

Ito ay pangungusap na naglalayong magusisa. Sa pamamagitan ng pangungusap na patanong, naihahayag ng ispiker ang kanyang layon na alamin ang mga bagay-bagay mula sa tagapakininig. Ang pangungusap na patanong ay binabantasan ng tandang pananong (?).

Halimbawa:

1. Kumain ka na ba ng agahan?

2. Sino ang nagtatag ng La Liga Filipina?

3. Saan matatagpuan ang kauna-unahang kapitolyo ng Pilipinas?


Pangungusap na Pautos.

Ang pangungusap na pautos ay nagpapahayag ng layon ng ispiker na isakilos ng tagapakinig ang isang gawain. Ang pangungusap na pautos ay nahahati sa dalwa. Una pautos o atas, na nagsasabing dapat na isagawa ng tagapakinig ang sinasabi ng ispiker na walang pasubali. Ang pangalwa naman ay pakiusap, ito ay ang paghahayag ng utos sa magalang na paraan.

Halimbawa

A. Pautos o Atas

1. Kuhain mo agad ang padala ni Itay sa Palawan.

2. Bigyan mo ako ng isang basong tubig.

B. Pakiusap

1. Pasuyo ako ng pagkuha sa padala ng Itay sa  Palawan

2. Makikiabot ng isang basong tubig.


Pangungusap na Padamdam

Isang uri ng pangungusap na naghahayag ng masidhing damdamin gawa ng tuwa, lungkot, takot, pagkagulat, pagkamangha, panghihinayang at pagkagulat. Binabantasan ito ng tandang padamdam (!).

Halimbawa:

1. Nasusunog ang bahay!

2. Napakaganda ng musa ng baranggay!

3. Bilis! Umalis kayo diyan!

Wednesday, April 29, 2020

Banghay Aralin o Lesson Plan Para sa Filipino 5 Muling Naiuulat Ang Balitang Napakinggan

Banghay-Aralin Sa Filipino V


I.    Layunin:


v  Naibibigay nang malinaw ang ulat sa balitang napakinggan.

Pagpapahalaga  :  Wastong Pakikinig

II.  Paksang Aralin:   

Pagbibigay ng Malinaw na Ulat sa Balitang Napakinggan

Sanggunian  : Diwang Makabansa V p. 51; Manwal ng Guro p. 42-43 Pamana p. 39; BEC,
                        PELC: Pakikinig 3 p. 35
Lunsaran     : Ang Pananampalatayang Islam
Kagamitan   :  Tape recorder

III. Pamamaraan:

      A.  Panimulang Gawain

1. Balik-aral
            Ano ang dapat tandaan sa lohikal na pagsusunud-sunod ng mga ideya sa ulat o balitang napakinggan.

2. Pagsagot/Pagtsek sa Takdang-aralin

3. Pagganyak
            Kung ikaw ay nakikinig ng ulat o balita, ano ang ginagawa mo para maisalaysay mong muli ito nang malinaw?

Bakit dapat maging malinaw sa pagsasalaysay ng mga balitang narinig?

      B.   1.   Paglalahad

Ipaalala sa mga bata ang mga pamantayan sa mabisang pakikinig. Iparinig sa mga bata ang nakateyp na ulat tungkol sa Pananampalatayang Islam na hinango mula sa Pamana p. 39

Ang Pananampalatayang Islam

Ang salitang "Islam" ay nagmula sa salitang Arabe na ang kahulugan ay "kapayapaan" Ito ay isang relihiyong itinatag ni Mohammed, isang kilalang propeta. Ang mga kasapi sa relihiyong ito ay tinaguriang mga Muslim. Allah naman ang taguri sa kanilang Panginoon. Para sa mga Muslim, walang ibang Panginoon kundi si Allah at si Mohammed ang sugo niya. Ang kanilang banal na aklat kung saan napapaloob ang mga batas at tuntunin na kanilang sinusunod ay ang Q'ran (Koran).

2.   Pagtalakay

Ipasagot ang mga tanong tungkol sa balitang ipinarinig.
a.   Saan nagmula ang salitang Islam?
b.   Ano ang kahulugan nito?
c.   Sino ang nagtatag nito?
d.   Ano ang taguri sa mga kasapi ng relihiyong ito?

3.   Pagsasanay
Ipabigay nang malinaw ang ulat na narinig nang pasalita sa ilang mga bata.
Ipasulat sa papel ang mahahalagang detalye ng ulat na narinig.

      C.  Pangwakas na Gawain

1.   Paglalahat
Ano ang dapat gawin upang maisalaysay muli nang malinaw ang ulat/balitang narinig? Ano ang kahalagahan nito?

IV. Pagtataya:

Babasahin ng guro ang maikling ulat tungkol sa pag-aayuno na hango sa p. 29 ng Ang Pilipinas sa Iba't Ibang Panahon at ipasusulat sa sariling pangungusap ang ulat na narinig.

Ang Pag-aayuno ng mga Muslim
Ang Pag-aayuno ay paraan ng pagsisisi ng kasalanan ng mga Muslim. Ginagawa ito sa buwan ng Ramadan mula ika- 4:00 ng umaga hanggang sa paglubog ng araw. Ito ay tumatagal nang 29 o 30 araw. Hindi lamang pagpigil sa pagkain ang pag-aayuno.Ito ay pag-iwas din sa pag-iisip, pagkilos at pagsasalita nang masama. Ang di pagtupad ng tungkuling ito nang walang sapat na dahilan ay isang rnabigat na kasalanan.

V.  Takdang-Aralin:
Manood ng Balita at isulat sa sariling pangungusap ang detalye ng unang " segment" na iuulat.


Mga Ideya Sa Ulat o Balitang Napakinggan

Banghay-Aralin Sa Filipino V


I.    Layunin

v  Lohikal na napagsusunud-sunod ang mga ideya sa ulat o balitang napakinggan.

Pagpapahalaga  :  Paggalang sa Relihiyon ng Iba

II.  Paksang Aralin:   

Pagsusunod-sunod ng mga Ideya sa Ulat o Balitang Napakinggan.

Sanggunian  : BEC 2, PELC 35: Pakikinig Blg. 3 p.35; Pamana p. 37-38
Lunsaran     :  Ang Pagdating ng Islam sa Pilipinas          

III. Pamamaraan:

      A.  Panimulang Gawain

1.   Balik-aral:

            Sinu-sino ang mga ninuno natin?
            Sino sa kanila ang unang dumating?
            Sino ang sumunod?

2.   Pagganyak: 
          
            Anu-ano ang inyong relihiyon?
            Dapat bang magkagalit ang dalawang taong magkaiba ang relihiyon? Bakit hindi?
            Paano natin maipapakita ang paggalang sa relihiyon ng iba?
Ano ang relihiyon ng mg ninuno natin sa katimugan ng na siya ring relihiyon ng marami doon sa kasalukuyan?

      B.   1.   Paglalahad

Paano lumalaganap ang Islam sa Pilipinas?

Iparinig sa mga bata ang isang ulat tungkol sa paglaganap ng Islam sa Pilipinas na hango mula sa Pamana p. 37-38.

Ang Pagdating ng Islam sa Pilipinas

Isang pandaigdigang kalakalan ang naganap pagpasok ng ika-10 siglo na naging daan sa pagpasok ng relihiyong Islam sa ating bansa. Sa paglalakbay ng mga Arabeng mandaragat patungong silangan ay narating nila ang Hang pulo sa Pilipinas.

Si Karim ul-Makhdum, isang Arabeng iskolar, ay ang unang misyonerong Muslim na dumating sa Pilipinas. Nagtungo siya sa Sulu matapos ang isang matagumpay na paglaganap ng Islam sa Malacca, Siya ay tinawag na tuan Sharif Auliya, isang titulong iniuukol sa banal na tao.

2.   Pagtalakay

Pag-usapan ang detalye ng ulat na narinig at kung paano aayusin ang mga pangyayari nang sunud-sunod.

a.   Sinong dayuhan ang nagdala ng pananampalatayang Islam sa Pilipinas?
b.   Isa-isahin ang mga misyunerong nagdala ng Islam sa Pilipinas sa tamang panunuran.
c.   Anu-ano ang naging kontribusyon ng bawat isa sa paglaganap ng Islam?



3.   Pagsasanay/Paglalapat

Pangkatin ang mga mag-aaral at ipaayos sa bawat pangkat ang wastong pagkakasunudsunod ng mga pangyayari tungkol sa ulat. Ang mga ito ay nakasulat sa "strips of cartolinas" at ang bawat pangkat ay maguunahan sa pag-aayos.

a.   Dumating si Raha Baginda na taglay ang kaisipang pulitikal.
b.   Ipinalaganap ni Raha Siat Saen ang Islam sa Maynila.
c.   Sinimulan ni Kabungsuan ang sultanato sa Maguindanao.
d.   Dumating Si Syyid Abu Bakr at itinatag ang sultanato.
e.   Galing ng Malacca, dumating si Karim ul-Makhdum.

      C.  Pangwakas na Gawain

1.   Paglalahat

a.   Ano ang dapat tandaan sa lohikal na pagsusunud-sunod ng mga ideya sa ulat o balitang napakinggan?
b.   Ano ang Kahalagahan ng may kakayahang pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa mga ulat o balitang narinig?

IV. Pagtataya:


Babasahin ng guro ang isang ulat at hayaang pagsunud-sunurin ng mga bata ang mga pangyayari.

Ang Mamang Muslim

Si Ali ay Tsang Muslim. Naniniwala. siya na walang ibang Diyos maliban kay Allah. Tuwing sasapit ang ika-9 na buwan sa kalendaryong Mohammedan, nag-aayuno siya sa kabuuan ng buwang ito. Hindi siya kumakain mula pagsikat ng araw hanggang paglubog ng araw. Nagdarasal rya ng limang ulit sa maghapon. Nagbibigay din sya ng ika-10 bahagi ng kanyang kita sa mga nangangailangan na isa sa mga kautusan ni Allah.

Ayusin ang mga sumusunod sa wastong panunuran.

a.   Binibigyan ng ika-10 bahagi ng Inyang kita ang mga nangangailangan
b.   Nag-aayuno siya sa buwan ng Ranadan.
c.   Limang beses sa Tsang araw kung siya aVmagdasal.
d.   Naniniwala si All kay Allah.
e.   Hindi siya kumakain maghapon.

V.  Takdang-Aralin:

Manood ng balita alas 6 ng gabi at magtala ng limang pangyayari tungkol sa ulo ng balita at ayusin ang mga ito nang sunud-sunod.


Detalye Ng Ulat o Balitang Narinig

Banghay Aralin sa Filipino V


I.    Layunin:


 Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa detalye ng ulat o balitang narinig.

Pagpapahalaga  :  Pagpapahalaga sa ating mga ninuno, Wastong Pakikinig

II.  Paksang Aralin:   

Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Detalye ng Ulat o Balitang Narinig

Sanggunian  : Diwang Makabansa- Wika V p.49 Pamana pp. 2-7
                        BEC, PELC Pakikinig: Blg.1 p.35
Lunsaran     :  "Ang Ating Mga Ninuno"
Kagamitan   :  tape recorder

III. Pamamaraan:

      A.  Panimulang Gawain

1.   Pagganyak
Sinu-sino sa inyo ang mahilig makinig ng radyo?
Anong impormasyon ang maririnig natin sa radyo?
Bukod sa mga bagong balita, anu-ano pa ang mga maririnig natin?"

      B.   1.   Paglalahad

Iparinig sa mga bata ang nakateyp na ulat tungkol sa ating mga ninuno na hango sa Pamana pp 2-7.

Ipaalala sa mga bata ang mga pamantayan sa mabisang pakikinig at pagkuha ng mensaheng narinig.
                           ANG ATING MGA NINUNO
May tatlong pangkat ng tao ang dumating sa Pilipinas; ang mga Negrito, ang mga Indones at ang mga Malayo. Sila ang maituturing na mga naunang nanirahan sa Pilipinas.

Ang mga Negrito ang naunang pangkat ng tao na namalagi rito sa ating kapuluan. Nakarating sila dito sa pamamamagitan ng pagdaan sa mga lupang tulay. Sila ay maliliit, maiitim, sarat ang ilong, makapal ang labi, at kulot ang buhok. Nabuhay sila sa pangangaso, panghuhuli ng isda at pagsasaka.

Sumunod na dumating ang mga Indones na nahati sa dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay nakarating mula sa Timog - Silangang Asya.

2.   Pagtalakay

Pag-usapan ang detalye ng ulat na narinig.

Pagsagot sa tanong.

a.   Sinu-sino ang ating mga ninuno batay sa ulat na narinig?
b.   Saan-saang lugar sila nanggaling?
c.   Paano sila nakarating sa Pilipinas?
d.   Ilarawan ang kanilang kaanyuan.
e.   Paano natin mapahahalagahan ang ating mga ninuno?

3.   Pagsasanay

Pangkatin ang mga bata sa lima at ipasulat sa bawat pangkat ang mahahalagang detalye tungkol sa ulat na narinig at tinalakay gamit ang "mapping"

      C.  Pangwakas na Gawain

1.   Paglalahat

a.   Anu-ano ang mahahalagang detalye ng ulat na narinig tungkol sa ating mga ninuno?
b.   Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa mga detalye ng ulat o balitang napakinggan?

IV. Pagtataya:

Magparinig ng nakateyp na maikling ulat tungkol sa panahanan ng ating mga ninuno hango sa Pamana pp. 8-9 at isusulat ng mga bata ang detalye ng balita sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan.

Panahanan ng mga Unang Pilipino

Ang mga unang Pilipino ay nanirahan sa mga kwebang malapit sa dalampasigan at mga gubat. Palipat-lipat sila sa iba't ibang pook na matitirhan. Sila ay tinatawag na nomads. May Ilan namang gumawa ng bahay sa itaas ng mga puno. Ang mga Badjao naman sa Sulu ay nakatira sa mga bangkang bahay.

a.   Saan-saan nanirahan ang mga unang Pilipino?
b.   Ilarawan ang kanilang mga bahay.
c.   Ano ang tawag sa mga taong palipat-lipat ng tirahan?
d.   Bakit itinayo ng ibang ninuno natin ang kanilang bahay sa itaas ng punongkahoy?

V.  Takdang-Aralin:


Makinig ng balita sa radyo mamayang alas 7 ng gabi at itala ang mahahalagang detalye ng ulo ng mga balita.


Pahayag Na Naglalahad Ng Sariling Katwiran, Pagpapasya at Paniniwala


Banghay Aralin sa Filipino - V


I.    Layunin

       Pagsasalita:  Nakabubuo ng mga pahayag na naglalahad ng sariling katwiran, pagpapasya at paniniwala.

            Pakikinig:      Naibibigay ng malinaw ang ulat sa balitang narinig

            Pagpapahalaga:   Ipagmalaki ang lahing Pilipino

II.   Paksang Aralin  

A.  Deskripsyon:
            1.   Kasanayan:       
                  a.   Pagbuo ng mga pahayag na naglalahad ng
                                 -     sariling katwiran
                                 -     sariling pagpapasya
                                 -     sariling paniniwala
b.   Pagbibigay ng malinaw ang ulat sa balitang narinig.
 2.  Nilalaman: Pagka-Pilipino

            Sanggunian:    BEC-PELC blg. __ d __
     Kagamitan:      tsart ng kuwento

III.  Pamamaraan

      A.  Panimulang Gawain

1.   Balik-aral
Hingan ang mga bata ng maikling pahayag ukol sa naganap sa EDSA II at ang proklamasyon ni Pangulong Gloria M. Arroyo.

Itanong: Kailan naganap ang EDSA II? Bakit. nagkaroon na naman ng EDSA II? Saan at sino ang iprinoklama na pangulo ng bansa pagkatapos ng EDSA II?

2.   Pagganyak
            Bakit dapat natin ipagmalaki sa mundo na tayo ay lahing Pilipino?                           Ano mang pagkaiba ng Pilipino sa ibang lahi?

      B.   Paglalahad
                 Makinig sa awiting patugtugin ng guro mula sa cassette.
Awit: “Ako ay Pilipino”

      C.  Pagtalakay
      Pagkatapos nannlg ang awitin, talakayin ang mga sumusunod:
1.   Ano ang pangunahing mensahe ng awit?
2.   Malinaw ba ang pagbigkas ng mang­aawit sa kataga?
3.   Gaano kalawak at makulay ang mga sa!itang ginamit ng komposer?

      D. Panglinang na Kasanayan
a.   Pangkatang Gawain:
§  Pangkatin ang mga bata sa tatlo.
§  Ipagawa ang Word Map sa bawat pangkat.
§  Ipasulat ang mga katangian ng isang Pilipino.
§  Ipaulat ang ginawa.
                       

E.   Paglalahat

Itanong:

     1.   Ano ang naging basehan ng mga pahayag na naglalahad ng sariling         katuwiran, pagpapasya at paniniwala?

     2.   Paano ang pagbibigay nang malinaw na ulat sa balitang narinig?

      Tandaan:

§  Ang pahayag ng isang tao nagiging basehan pa ito kung paano sinusukat ang kagandahang asal at edukasyon nito.

§  Ang ulat na binibigay ay dapat tiyak, maikli at walang paligoy-ligoy.

F.   Pagpapayamang Gawain:

1.   Pakinggan ang ulat na basahin ng isang bata.
                       
                                                 Ang Bagong Bayaning Pilipino

Ang mga bagong bayaning Pilipino ay ating mga kababayan nagtatrabaho sa ibang bansa na ang tawag sa kanila ay "OFW". Sila ay nagpapakasakit para mabigyan ng mabuting kabuhayan ang mga mahal nila sa buhay. Sila rin ang nagbibigay ng malking bahagi sa ating ekonomiya.

                        Pagkatapos marinig ang ulat ibigay ang sariling pahayag.

G.  Pagpapahalaga:

          Itanong:

        Bakit dapat nating ipagmalaki ang lahing Pilipino?
        Ano ang pagkaiba ng lahing Pilipino sa ibang lahi? 
        Anu-anong katangian dapat ipagmalaki ng Pilipino?

 IV. Pagtataya

      Magbigay ng isang malinaw na ulat sa balitang narinig ukol sa pangyayari 
      sa inyong pamayanan.

                       1.   Proklamasyon ng mga halal na Opisyal ng Barangay.

                       2.   Pagpapaganda at pag-aayos ng pamayanan.

V.  Takdang-Aralin

Panagano ng Pandiwa: Paturol at Pasakali

Ano ang  Pandiwa?


Ang pandiwa ay mga salitang nagsasabi ng kilos o galaw. Ang pandiwa ay may mga aspekto batay sa pagkaganap ng kilos. Ito ay ang aspektong pangnagdaan, pangkasalukuyan at panghinaharap.

Sa araling ito, tatalakayin natin ang panagano ng pandiwa. Bukod sa aspekto
 ang panagano  ng pandiwa ay nagbibigay unawa sa nakababasa o nakaririnig sa pagkaganap nito. Maaring ang kilos ay tiyak na magaganap, nagaganap o magaganap naman o di kaya naman ay kinakailangang maisakatuparan ang  maisasagawa muna ang isa pang kilos.

Ano ang panaganong paturol at panaganong pasakali ng pandiwa?


Basahin ang sumusunod na mga pangungusap

žAng bayan ay nagsaya sa araw ng kalayaan.
žAko ay nagsasaya sa kaarawan ko.
žMagsasaya ang daigdig sa araw ng Pasko.
Anu ano ang pandiwang ginamit?
Anu-ano ang aspekto o anyo ng pandiwa sa mga halimbawa?

Panaganong Paturol ng Pandiwa


Panaganong Paturol


Ang panaganong paturol ay nagpapahayag ng pagkaganap ng gawain o pangyayari sa tatlong panahunan o aspekto pangnagdaan, pangkasalukuyan at panghinaharap, gaya ng mga pandiwang nagsaya, nagsasaya at magsasaya



Panaganong Pasakali ng Pandiwa


Bigyang ang sumusunod na mga pangungusap.

žSumasaya ang tao kapag tahimik ang buhay.

žIkaw ay maghihirap kung hindi ka magtitipid.
žBaka yumaman ka sa kaka-overtime.

Ang mga pandiwa sa panaganong pasakali ay katulad din ng anyo ng paturol na pandiwa.
Ang paturol ay tiyakang nagsasabi ng ipinahahayag ng pandiwa. Ang pandiwa na  may panaganong pasakali naman ay nagsasabi ng pasubali na ipinahahayag ng pang-abay at pangatnig. Ang mga pang-abay na karaniwang gamitin ay tila, baka, malamang, marahil at iba pa. Ang mga pangatnig naman ay: kung, kung hindi't, disin, kapag, pag, atibapa

Paglalagom sa paghahambing ng Panaganong Paturol at Panaganong Pasakali.


Ang pandiwa sa panaganong paturol ay tiyak. Nangangahulugan ito na ang kilos ay tiyak na nangyari, nangyayari o mangyayari pa. Samantala ang pandiwa na may panaganong pasakali ay walang katiyakan at maaring mangyari lamang kung matutupad ang kundisyon na sinasabi sa pangungusap.

Subukin Natin:
Tukuyin kung ang pandiwa sa pangungusap ay may panaganong paturol o pasakali.
1. Si Jose Rizal ang nagtatag ng La Liga Filipina.
2. Magtatagumpay sana si Andress Bonifacio kung hindi siya napaslang.
3. Baka manalo ka sa Lotto pagtumaya ka.

4. Maagang umuwi ang mga anluwagi.